My BEST Lesson Plan..:)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran
ng Edukasyon
Rehiyon
III – Gitnang Luzon
Dibisyon
ng Bulacan
Guiguinto
National Vocational High School- ANNEX
Malis,
Guiguinto, Bulacan
BANGHAY-ARALIN
SA ARALING PANLIPUNAN 7 (Araling Asyano)
I.
Layunin.
Sa pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahan na:
a. Natatalakay ang kahulugan ng nasyonalismo
b. Naipaliliwanag ang pag-usbong ng nasyonalismo sa pamamagitan ng malikhaing
presentasyon
c. Naibibigyang-halaga ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo
bilang isang Pilipino.
II.Nilalaman
A. Yunit: III: Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon(Ika-16 Hanggang Ika-20 Siglo)
B. Paksa: Nasyonalismo sa Asya
C. Sanggunian: Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,pp.226
D. Gamit sa Pagtuturo: Pantulong biswal, Laptop, LCD Projector, Pisara, Yeso
III.
Pamamaraan
A.
Panimulang Gawain
1.Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng klase
d. Pagtatala ng liban sa klase
e. Pagwawasto takdang-aralin
2. Balik - aral
Celebrity
Bluff
Para sa nakaraang aralin, ang guro ay maghahanda ng
tatlong tanong na kahawig ng celebrity bluff.
1. Siya ay ang pangunahing lider ng India’s Independent Movement at unang gumawa
ng non-violent civil disobedience na nakaimpluwensiya sa mundo.
2.
Ito ang bansa na ito kung saan sinakop ang India at
ilang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ang pinakamalakas na bansa noong
panahon ng imperyalismo
3.
Ito ang bansang sinakop ng mga Briton kung saan sa
isang digmaan ay kamuntikan na silang mapatalsik at matalo.
4.
Ito ay rebelyon na naganap sa India kung saan ang
dahilan ng kanilang pagkagalit ay sa balitang ang langis na ginamit ng mga
sundalong Briton ay mula sa baka at baboy.
5.
Ito ay sinaunang kaugalian ng Hunduismo kung saan
ang babaeng balo ay boluntaryong sasama sa pagsunog kasama ang kanyang asawa.
Is it a bluff or a fact?
B.
Paglinang sa Aralin
1.
Lunsaran ng bagong Gawain
Bigyan
ng Title yan!
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan habang ang
mga mag-aaral ay magbibigay ng pamagat tungkol
sa kanilang pagkakaunawa sa larawan.
Magpapatugtog
ang guro ng Lupang Hinirang. Ano
ang kaugnayan ng Lupang hinirang sa pagmamahal sa bayan?
2.
Mungkahing Gawain
Malayang Talakayan
·
Tatalakayin ng guro ang kahulugan
ng nasyonalismo at dalawang uri nito.
-- Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
-- Ano ang dalawang uri ng
nasyonalismo?
Pangkatang Gawain
·
Hahatiin ang
klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng malikhaing
presentasyon tungkol sa kanilang sariling pakahulugan ng damdaming Nasyonalismo.
Ipapaliwanag ng isa o dalawang miyembro ng pangkat ang kanilang presentasyon.
a. Pagsasatao
b. Pagkanta
c. Tableau
d. Tula
Ang bawat pangkat ay may (3) tatlong minuto para sa paghahanda at (3)
tatlong minuto para sa presentasyon. Bibigyan ng guro ng puntos ang bawat pangkat gamit ang rubriks.
Pamantayan
|
Pinakamahusay
5
|
Mahusay
4
|
Nalilinang
3
|
Nagsisimula
2
|
Kooperasyon
|
Mahusay na nakiisa ang bawat kasapi ng pangkat sa
pagbuo ng presentasyon
|
Nakiisa ang pangkat sa pagbuo ng presentasyon
|
Hindi gaanong nakiisa ang pangkat sa pagbuo ng
presentasyon
|
Hindi nakiisa ang mga miyembro ng pangkat sa
pagbuo ng presentasyon
|
Kalidad ng Impormasyon
|
Lubhang nakaakma ang impormasyon sa ginawang
presentasyon
|
Nakaakma ang impormasyon sa ginawang presentasyon
|
Hindi gaanong nakaakma ang impormasyon sa ginawang
presentasyon
|
Hindi nakaakma ang impormasyon sa ginawang
presentasyon
|
Pagkakaunawa sa Paksa
|
Lubos na nauunawaan ang paksa
|
Nauunawaan ang paksa
|
Hindi gaanong nauunawaan ang paksa
|
Hindi nauunawaan ang paksa
|
Estilo at Pamamaraan ng Presentasyon
|
Lubos na kinakitaan ng iba’t ibang estilo at
pamamaraan ang presentasyon.
|
Kinakitaan ng iba’t ibang estilo at pamamaraan ang
presentasyon.
|
Hindi gaanong kinakitaan ng iba’t ibang estilo at
pamamaraan ang presentasyon.
|
Hindi kinakitaan ng iba’t ibang estilo at
pamamaraan ang presentasyon.
|
·
Malayang
talakayan
C.
Pangwakas na Gawain
a.
Paglalahat
Paano umusbong
ang damdaming nasyonalismo?
b.
Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral , Paano mo maipapakita ang
pagmamahal mo sa iyong bansa?
Masasabi mo bang taglay mo ang damdaming
nasyonalismo? Paano?
IV.Ebalwasyon
Akrostik
Umisip ng mga salita na may kinalaman sa nasyonalismo
gamit ang salitang NASYON. Bibigyan ng puntos ang bawat salitang magagawa.
V.
Takdang- Aralin
1.
Sumulat ng isang panunumpa na magsisilbing paalala
ng iyong pagmamahal sa bayan.
2. Sinu sino ang mga kilalang tao ang nagtaguyod ng nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang
Asya?
Inihanda:
______________________________
G.VON JOSHUA P. DUGANG
Student Teacher
Iniwasto:
______________________________
G.
ALFREDO L. BAUTISTA, LPT
Cooperating Teacher
Binigyang
Pansin:
_______________________________
G. ROEL D.C. STA. TERESA,LPT.
Social Studies Coordinator
Inaprubahan:
_______________________________
GNG. MELISSA M. MARTIN
OIC,GNVHS-Annex, HT VI
Sundalong Hapon |
Andres Bonifacio(Anime) |
My Reflection:
My Best Lesson Plan
I
made this lesson plan with the help of my head teacher in Araling Panlipunan,
sir Roel DC. Sta. Teresa. My topic was
all about Nasyonalismo. In my lesson plan, it composed of pagbabalik aral(Celebrity
Bluff), motivation (Bigyan ng Title iyan!). During discussion, I used two
visual aids( two drawings). After short discussion, I gave an activity for
them. This was the first time and I enjoyed a lot. I experienced demonstration
teaching and to create a lesson plan that was different from the previous. What
a good lesson plan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento